"LIHAM"


Resulta ng larawan para sa liham
sino ba naman ang wala nito, sino bang mag nanais na wala nito? isang kaibigan, isang tunay na kaibigan, ako, marami ako niyan, maraming dumaan sa buhay ko niyan ngunit may isang taong mananatili't natatangi si edwin, minsan naging kababata, barkada, kuya at higit sa lahat natatanging lalaking lihim kong minamahal.

Edwin, Edwin, mumunting tinig ng batang paslit,
Pagtawag mula sa tahanan nitong kay liit,
Bumukas ang pinto, iniluwa nito ang nag mamayari dito, ang ina ni edwin
"magandang araw po si edwin po?"tanong ko, "ay tulog pa iho" tugon naman nito
"sino yan nay?" tinig ng lalaking hinahanap ko,  si kuya edwin,dagling lumuwag ang aking pagkakangiti.



Tulad ng dati, dating gawi
Tinungo ang dalampasigan at minsa'y pay naging pansamantalang palaruan,
mayamaya pa'y ramdam ko ang pagkakahapo, sa di kalayuan tanay ko ang maaaring pagpahingahan ko, sa aking pagkakaupo'y nadaanan ko ang imahe mo, unti unting tinanggal ang saplot mo, nagtaka ako, namangha ako, sa angking alindog na taglay mo, sa hubog ng iyong katawang animo'y nililok sa napaka perpektong anyo, minaestro ang kamay tungo paroon sa dalampasigan, nais mong magtampisay ngunit wala kang tugong nahinuha saakin

ilang segundo, minuto ang lumipas,
tanging pagtanaw, ang sayo'y aking napag kalibangan
maya maya pa'y nawala ka saking paningin, muling hinanap ng aking tingin, napatayo sa kinauupuan, nabigla ako, may kung sinong humila't bumuhat tungo sa dalampasigan, walang iba kundi si edwin.

sa kanyang pagkakabuhat ay may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan,
kuryenteng una palamang naranasan ng aking katawan, sa kapwa ko adan


nataposang araw, pagod ang dulog ng mahabang araw, 
pasan mo kong tangan tungo saming tahanan ng basa ang ating mga katawan,dulot ng pagtampisaw sa dalampasigan.

natapos ang araw ngunit hindi ang aking mga ngiti, maging saking panaginip, ikaw ang saakin ay nagpapangiti, mahal ko na ata sya, mahal nakita 

lumipas ang mga buwan, taon,
pagbibinata'y  dumaan
marami sayong nagbago, mas lalong kang naging kaakit akit,
gayon pamay di ako nag patalo, ngunit pagibig ko'y nananatiling lihim  


tandang tanda ko pa,
huling taon mo sa kolehiyo bilang isang inhenyero,
ako nama'y ikawalang taon sa pagguguro,
kaarawan mo noon,
nais kong umamin sayo, pinilit ko,
napangunahan mo ako, pinakilala mo ang babaeng minamahal mo,
anong sakit ang dulot mo saakin, nais kong umiyak, ngunit sa pagngiti itinago ang totoong imosyon.

mabilis akong nag paalam, 
bakas sayo ang pagtataka, may nais kang malaman,
pagluha, masaganang pagluha ang tanging aking nagawa,
kung sana,
kung sana ako sya,
yung babaeng minamahal niya


lumipas ang mga araw,
pinilit kong lumayo, pag anyaya mo'y siyang pagtanggi ko,
laking pagtataka mo,
pinilit mong may malaman, ngunit wala kahit anong tugon

walang araw na ang dulot mo'y pasakit,
kasama ang babaeng minamahal mo,
pinilit ko, pinilit kong limutin ka .... ngunit di ko kaya,
nag desisyon ako,
iwan ang lugar na ito, lugar na minsang naging paraiso sating dalawa,
patawad,

dalawang araw ang lumipas,
sa aking nakatakdang pag alis, tungo sa manila
kasama ang aking ama,
siya para mag hanap buhay, ako na ma'y para lumimo't ipag patuloy ang pag aaral,


bago ang aking paglisan,
liham ang aking tangan,
laman ang pasasalama't pag papatawad,

mabilis kong tinungo ang bahay nila,
sa pagkatok ko'y anong kaba,
sa pag bukas nito'y anong saya,
bakas sa yung mga mata ang pagtataka,

mabilis kong inabot ang aking liham,
syang bilis ng aking pagtalikod at paglakad palayo,
na pangiti sya, ngunit bakas parin ang pagtataka,


mabilis niyang binasa ang sulat,


EDWIN,

        maraming tao ang sa buhay ko'y nagdaan, ngunit walang sino man ang tutumbas sayo, hindi isang kaibigan o ano paman ngunit bilang isang taong lihim kong minamahal, oo mahal kita noon paman, sa bawat mag kasama tayo wala akong ibang hiniling kung hindi maging akin ka, nasa bawat pag ngiti mo'y may kong anong kilig ang dulot mo saakin, ngunit nag bago, nag bago nang dahil sa kanya sa babaeng sinabi mong ninanais mo, sobrang sakit, pero sino ngaba ako? kaibigan mo lang naman ako, lalaking kaibigan lihim na nagmamahal, saaking natatakdang pag alis, nais kong malaman mo mananatiling yaman ang bawat alaala nating binuo, bilang kaibigan, at lihim na nag mamahal.

                                                                                          lubos na nag mamahal: BLUE



at sa mabilis na pagpatak ng luha mo natapos ang lahat.





--QRITIKO

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"PUNTOD"

The Fox and the Grapes