Isang Panaginip
(c) Megan Koester
Namulat ang aking mga mata sa pait
Pait ng tadhanang sa aki'y nakaguhit
Araw-araw iniinda ang sakit
Sakit na sa bawat pagkakataoy umuukit
Hinding hindi makikita sa labas ang bakas ng kalungkutan
Ngunit sa aking kaloob-looban makikita ang ang saklap ng kapalaran
Tila matagal ng hinahanap ang totoong kasagutan
Para lang malunasan ang sakit na nararamdaman
Mag-isang naglalakbay ng walang kaagapay
Ani mo'y sa buhay ay wala nang saysay
Hiniling na sana ako nalang ay pinatay
Sapagkat hindi narin makasalba sa sakit habang buhay
Nagising ako sa isang masamang panaginip
Nakakuha ng aral na tumatak sa aking isip
na kahit kailanman
Wala nang ibang magtutulungan
Kundi tanging ikaw at ang sarili mo lamang.
-The Great Unknown
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento