sino ba naman ang wala nito, sino bang mag nanais na wala nito? isang kaibigan, isang tunay na kaibigan, ako, marami ako niyan, maraming dumaan sa buhay ko niyan ngunit may isang taong mananatili't natatangi si edwin, minsan naging kababata, barkada, kuya at higit sa lahat natatanging lalaking lihim kong minamahal. Edwin, Edwin, mumunting tinig ng batang paslit, Pagtawag mula sa tahanan nitong kay liit, Bumukas ang pinto, iniluwa nito ang nag mamayari dito, ang ina ni edwin "magandang araw po si edwin po?"tanong ko, "ay tulog pa iho" tugon naman nito "sino yan nay?" tinig ng lalaking hinahanap ko, si kuya edwin,dagling lumuwag ang aking pagkakangiti. Tulad ng dati, dating gawi Tinungo ang dalampasigan at minsa'y pay naging pansamantalang palaruan, mayamaya pa'y ramdam ko ang pagkakahapo, sa di kalayuan tanay ko ang maaaring pagpahingahan ko, sa aking pagkakaupo'y nadaanan ko ang imahe mo, unti unting tinanggal ang saplot mo,...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento