DAKILANG AMA
Araw ng lunes, muli nanamang lumisan si haring araw at kasabay nito ang pagbalot ng kadiliman sa buong kalangitan, pag usbong nang tila mumunting dyamante sa nababalot nang dilim na kalangitan ang kasunod nito. pauwi na ang aking ama, ang aking pinakamamahal na ama. tanaw ko mula sa labas ng aming mumunting tahanan ang hapo niyang imahe, tangan siya ng kanyang lumang bisekleta na noon pa ma'y kanyang nag mistulang karuwahe tungo sa binubuong mga establisyemento, kung saan siya roon ay isang simpleng manggagawa. ilang saglit pa at siya ay na saaking harapan na , nais ko sana siyang batiin ngunit bago paman ako makapag salita siya'y naunanang nag wika " kumain naba kayo ng iyong ina?" kasabay ng isang maluwag na pag ngiti " heto't may roon akong dalang makakain " dagdag pa niya, napangiti na lamang ako sa kanyang mga tinuran at ibinaling ang aking hintuturo kung saan naroon ang aking ina na noon ay kasalukuyang nag hahapunan. sa maikling pag uusap nayon tahimik kong pinag masdan ang imahe ng aking ama, bakas ang pagod na dulot ng buong araw na pag kayod ngunit naroon parin ang kagalakan, pag kasabik sa kanyang pamilya "ganito ba kahirap maging isang ama o ganito ba kasarap ang mag karoon ng pamilya?" mga tanong na umiikot sa aking isipan, mga tanong na gusto kong hanapan ng sagot sa hinaharap. siguro nga't darating ang panahon na ako mismo ang makakahanap ng kasagutan sa tanong kung yan, ngunit sa ngayon nais kong pasalamatan ang aking dakilang ama, amang walang ibang inisip kundi ang ikabubuti ng pamilya niya kahit pagod at hirap ay nagagawa pang ngumiti, SALAMAT SA AKING DAKILANG AMA.
-QRITIKO
"LIHAM"
sino ba naman ang wala nito, sino bang mag nanais na wala nito? isang kaibigan, isang tunay na kaibigan, ako, marami ako niyan, maraming dumaan sa buhay ko niyan ngunit may isang taong mananatili't natatangi si edwin, minsan naging kababata, barkada, kuya at higit sa lahat natatanging lalaking lihim kong minamahal. Edwin, Edwin, mumunting tinig ng batang paslit, Pagtawag mula sa tahanan nitong kay liit, Bumukas ang pinto, iniluwa nito ang nag mamayari dito, ang ina ni edwin "magandang araw po si edwin po?"tanong ko, "ay tulog pa iho" tugon naman nito "sino yan nay?" tinig ng lalaking hinahanap ko, si kuya edwin,dagling lumuwag ang aking pagkakangiti. Tulad ng dati, dating gawi Tinungo ang dalampasigan at minsa'y pay naging pansamantalang palaruan, mayamaya pa'y ramdam ko ang pagkakahapo, sa di kalayuan tanay ko ang maaaring pagpahingahan ko, sa aking pagkakaupo'y nadaanan ko ang imahe mo, unti unting tinanggal ang saplot mo,...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento