Ekstra

(c) DragoArt.com

(c) Creepypasta.wikia.com

(c) shutterstock.com

Ekstra
Naglalakad sa isang madilim na daan
Sa isang gabing tanging ang ilaw ay liwanag ng buwan
Na hindi alam kung saan ang patutunguhan
At tila wala pang kasiguraduhan
Kung mayroon pa bang dapat hantungan
Tumigil sandali at tumingin sa kawalan
Nagbalik ang alaala at pait ng nakaraan
Nakaraang halos makita ang sarili at kaawaan
Tumulo ang luhang bakas ng kalungkutan
Ngunit tumayo at agad itong pinunasan
At sa wakas nakita ang isang ngiti at masayang tinalikuran
Ngiting hindi ko pa nakikita kahit kailanman
Agad kang pinuntahan upang mailigtas sa bagsik ng nakaraan
Ika'y isinakay sa kabayo at nakaisip ng paraan
Na ika'y ihahatid sa inyong kaharian
Bago muling sumapit ang kadiliman
Masayang nilakbay ang mga daan
Sinuyod ng mabuti ang lahat ng kagubatan
Muli kong tinitigan ang iyong mga mata
Na nagpaibig sa aking pusong ligaw
At muling naalala na matagal na palang natapos ang ating storya
At hindi dahil muli kang nakasama ay ikaw na ang matatawag kong bida
"Mahal kong prinsesa sana maintindihan mo kung bakit hanggang dito na lamang ang takbo ng aking kabayo
Ngunit masaya ako dahil muli tayong nagkatagpo"
At masayang masaya ako dahil matutupad na ang pinangarap mong takbo
Takbo ng storyang yung tipong pagmamahal ang gigising sa iyong umaga
Hindi katulad nung nasa pelikula pa kita
Na puro na lamang sakit at pighati ang iyong nadarama
Kahit na tayo pang dalawa ang siyang bida
Alam kong hindi ka naman naging masaya sa piling ko twina
Muli akong nagising sa isang panaginip
Masaya kang natanaw sa malayo at malapit nang dumilim
Alam kong sa pagkakataong ito ikaw ay kanya nang sasalubungin
At papasok na sa inyong kahariang puno ng saya at pag-ibig
Marahil ito na yung pinapangarap mong happy ending
Ngunit wag kang mag-alala mahal kong prinsesa
Dahil tanggap ko na kung ano ako sa inyong storya
Kasi ako lang naman ang pinakadakilang ekstra
Na naging daan para matupad ang pinapangarap mong storya
-The Great Unknown
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento