Hiling para sa binging hangin

(c) minimoeomaximo.wordpress.com
(c) Inspireportal.com

(c) emaze.com

(c) flicker.com
Hiling para sa binging hangin
Ang buhay ay parang isang tinik. Tinik na sumisimbolo ng
sakit, na nakabaon sa sugat at patuloy na dinidikdik, at pagluha nalamang ang siyang
tanging naiisip upang maging lunas sa bawat sandaling sakit at kirot ang
nananaig. Wala nang ibang marinig kung hindi
tanging iyak at hikbi at patuloy na nililimot ang bawat pighati. Daig pa ng mga alon na maya’t maya ang tili, ang
boses na siyang lagi na lamang naiipit sa bote na tila takot sumilip, na
umaanod sa karagatan at patuloy na humihiling, ng isang matamis at wala nang
pait , ng isang puti at hindi puro itim, ng isang liwanag na nanggagaling sa bituin,
Upang maliwanagan na ang gubat na puno ng dilim.
Para muli nang manumbalik ang saya sa aking piling, at muli
nang marinig ng binging hangin, ang sigaw na tangi at lagi na lamang aking pinapain, para lang mawala ang init at mapalitan ng
lilim at muli nang makita ang takip-silim.
Upang hindi na muling matagpuan pa ang sarili, na binabalot ng lamig at halos
hindi na marinig , at tila hinahabol ng mga kawal upang iharap sa paglilitis….Sa
buhay na ang tanging hiling lang ay ibigin.
-The Great Unknown
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento