"IKINUBLING EBA"

Resulta ng larawan para sa identity crisis   


IKINUBLING EBA
Ako'y isang lalaki,
isang tunay na lalaki,
at yun ang inaakala nila

sa isang mundo na ang hindi akma ay pagkakamali, na ang hindi naayon ay kapintasan at ang pagiging iba ay kasuklam suklam 
ngunit anong batayan ? batas ng bibliya?
oo nga't walang nabanggit na mga katagang bakla't tibo o anumang may kinalaman sa ikatlong lahi sa aklat na ito, na kasama sa mga nilikha ng puong may kapal,
hindi ito batayan o maging pamantayan para sila'y tignan bilang isang mababang uri at hindi katanggap-tangap sa ating mundong ginagalawan,
sila'y tao rin, at ako'y tao rin na kabilang sa kanila,
kung kayat nais ko, nais kong kumawala, nais kong ihayag ang natotoong ako, ang natatanging ako, hindi bilang isang adan ngunit bilang isang eba,
nais kong hawiin ang kurtinang pinag kukublihan nang minsan kung tinawag na eba, ang isa pang ako,

ikaw, isa karin bang adan na ikinukubli ang pagka eba? o isang ebang ikinukubli ang katauhang adan?  
   



--QRITIKO

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"LIHAM"

"PUNTOD"

The Fox and the Grapes