Ika’y naglaho na parang isang bula. Umaasa ako na ika’y babalik. Ikaw na minahal ko simula’t sapul. Mga pangakong binitawan, ay aking pinanghahawakan. Hindi ko inaasam sa iyong pagbabalik na ikaw pa rin ang aking minahal. Marami mang nagbago sa ating paligid. Pero sa pagmamahalan ay maaring manatili. Pagkat pagmamahal ko sayo’y nanatili. Bawat oras may kahulugan, pero para sayo ito'y katapusan. Hindi man ako kasing tanga ng iba na ika'y iwan lamang. Basta’t mahal kita hindi magbabago. Marami man ang dumating na trahedya, ako’y tatayo't tatayo at tuloy paring makikipagsapalaran makamtan ka lang. Daanan man ako ng matinding bagyo, tangayin man ako ng malakas na hangin ako'y kakapit at kakapit pa rin. Kung ang bagyo ay si tadhana na muli tayong paglalapitin, ako'y magpapatangay sa malakas na agos ng hangin.
- Ice-cold heart

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento