May nakakarinig kaya saakin?

(c) QuantumBabble.com

(c) 7kanal.com.ua

(c)TheWallAnalysis.com

(c) flickr.com
May nakakarinig kaya saakin?
May tao ba diyan?
May nakakarinig ba saakin?
Sa lahat ng sakit ay iniinda ang hapdi
Sa mga sigaw na mas malakas pa ang alon at tili
May tutulong ba saakin?
Sa mga sugat na patuloy na dinidikdik
Sa mga salitang patuloy na winawasak ang pagkatao kong sawi
Sa bawat kasiyahan na tila pinatikim lang ang bawat sandali
Sa buhay na kahit kailan ay hindi magwawagi
Na kahit kaunting pagibig ay hindi makahingi
Sa pagkatao kong halos patayin na ng mga bulag at bingi
Ang isang tulad ko na halos na sa hukay na dahil walang
silbi
At tila hindi na makabigkas ng bawat salita dahil napipipi
Pero tila hindi parin nila alam na sila ang sanhi
May tao ba diyan?
May tutulong ba saakin?
May nakakarinig pa ba saakin?
Kaya niyo pa bang makita ang sanhi?
Para matapos na ang paghihirap at tumigil na ang pintig
Tulong! Sana ay may makarinig
Tulong! Sana ay may umintindi
Ito na ang huli kong pain
Tila isang malaking misteryo ang makaririnig
May tutulong kaya saakin?
-
The Great Unknown
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento