"SA PAG IHIP NG HANGIN"








(c)http://www.sports.parsiblog.com/


Umihip ang hangin,
anong bilis ng pagtangay saaking diwa,
at sa muling pagkakataon ay muling nanariwa,
sabayang pagbigkas ng abakada,


Umihip ang hangin,
at sa hangin mga kataga'y inusal,
"anak ko, pangarap mo'y iyong kamtan",
mga katagang sa puso'y nagmarka, ata kailanma'y di kalilimutan

Umihip ang hangin,
taon ay lumipas, pangarap ay tangan,
ikaw, na aking naging kanlungan ang syang aking nais paglaanan,
Ina, pangako pagiging guro'y pipiliting makamtan,


Umihip ang hangin,
reyalidad ay yumakap,
bukas, araw ng aking pagtatapos,
walang ibang isisigaw kundi, "INA para sayo to". 




---QRITIKO

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"LIHAM"

"PUNTOD"

The Fox and the Grapes