Ang aking paboritong kanta

Ikaw ang paborito kong storya na kahit paulit ulit kong binabasa ay hindi ako nagsasawa
Ikaw ang silbing liwanag sa gabing kay dilim
Ikaw ang lilim sa mundong puno ng init
Ikaw ang tanging kanta sa buhay na puno ng ingay
Ikaw ang tanging gamot sa sugat na hindi na gumagaling
Ikaw ang tulay ng kasiyahan sa karagatang puno ng kalungkutan

Kung wala ka mag-isa kong nilalakbay ang dilim
Kung wala ka hindi ko alam kung papaano makakasalba sa init
Kung wala ka matagal na akong pinatay ng sugat na patuloy na dinidikdik

Kung wala ka nalunod na ako sa karagatang wala ng pag-asa
Kung wala ka matagal ko nang tinapos ang buhay na wala nang saysay
Kung wala ka isa na lamang akong malungkot na ala-ala

Isang malungkot na kanta.........

                                                               -The Great Unknown
Resulta ng larawan para sa thankful
                                                       (c) Healthyfamily.org
Kaugnay na larawan
                                                        (c) Treehugger.com
Kaugnay na larawan
                                                       (c) loveorabove.com
Resulta ng larawan para sa depressed
                                                     (c)SocialWorktutor.com

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"LIHAM"

"PUNTOD"

The Fox and the Grapes