Kamusta ka?
Kamusta ang una kong itinanong nung muli tayong nag kausap.
Unang salitang binitawan makalipas ang isang buwan.
Isang buwan na puno ng kalungkutan.
Masaya ka ba?
Masaya ka ba ang pangalawang kong naitanong.
Naitanong dahil ako’y hindi masaya.
Pero kung dito ka sasaya,
Ako rin ay masaya na.
Pero bakit ang sagot mo hindi?
Hindi ka nag eenjoy.
Hindi ka nag eenjoy sa araw-araw.
Araw-araw kung saan mo ako ipinagpalit.
Na hindi naman kakapit-kapit at kapalit-palit.
Wag kang paasa!
Ayoko umasa.
Dahil hindi kaasa-asa.
- Ice-cold heart
Photo Screenshot from: JMB
Photo Screenshot from: JMB
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento